About Me
Me? Who am I? Well, my name is Bugz but you can simply call me on my cellphone for short. My number is +639203314765. You wanna know more about me? Sorry but I’m too secretive to disclose any personal information so just mind your own monkey business. I made this blog so you can read about my everyday life and jokes but I want to stay anonymous so please respect that. Besides, nobody will ever know the true me. Suplado no? Bleeeh...

Teka hirap mag-English eh. Tagalog na lang ha. Ang totoo, di naman talaga ako suplado eh.. medyo lang. Maginoo ako pero medyo bastos. Medyo tahimik at mahiyain sa personal pero garapal online. Ang sabi ng marami, malalim daw ang pagkatao ko. Mahirap daw ako makilala. Ewan ko lang. Eh opinyon nila yun eh kaya wala akong magagawa. Minsan medyo naguguluhan din ako sa sarili ko pero alam ko mabait ako. Mahaba ang kwan ko… pasensya sa mga bagay na gusto kong maabot. Saka matigas ang kwan ko.. paninindigan. Bwahaha!

Eh bakit ko nga ba ginawa ang blog na to? Kasi nga dahil sa pagiging tahimik kong tao, di ko nasasabi ang mga gusto kong sabihin. Kaya eto, type to death na lang. Type to death eh no.. parang dyuding bwekeke. Pero lalakeng-lalake ‘to. Macho ako pre! Tsaka dito, gusto ko i-share ang mga bagay na nagawa ko sa buhay para naman maka-inspire ng ibang tao. Minsan may mga masasabi akong bagay na akala nyo ay nagyayabang na ako. Pero hindi.. medyo lang hehe.

Sa totoo lang, di naman kailangan magyabang eh. Wala kang mapapala sa ganun at madami lang maiinis sa yo. Tsaka kahit anong meron ka pa at kahit sino ka pa, wala kang karapatang magyabang. Narinig nyo na ba yung kantang “Tuldok”? Eto basahin nyo ang lyrics para matauhan kayo:

“Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan
Na dapat mapansin at maintindihan
Kahit sino ka man ay dapat malaman
Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang

Kahit na ang araw sa kalangitan
Siya ay tuldok lamang sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian”

Ayan isaksak nyo sa kukote at bumbunan nyo ha para sa susunod, makapag-isip muna kayo bago kayo magpa-hambog.

Pero teka, sino nga ba talaga ako? Ako nga si Bugz. Isa akong walang kwentang programmer. Wala akong ginawa maghapon kundi mag-computer. Mula umaga hanggang hatinggabi, computer ang kausap ko. Nagtatrabaho ako bilang isang Senior Web Developer sa isang magandang kumpanya sa Ortigas. Ang Ortigas po ay nasa Pasig City, Metro Manila, Philippines, Southeast Asia, Earth, Solar System, Milky Way Galaxy, Universe. Wag nyo na itanong kung saang part ng Universe dahil di ko na alam yun. Hooooyyy!

Ako ay pinanganak sa unang linggo ng Pebrero noong taong 19?? Wag nyo na itanong ang eksaktong taon dahil pakiramdam ko ay tumatanda ako. Graduate ako ng Computer Course noong year 20?? sa Father Computer College. San yun? E di sa AMA tungak! Kaso wala ata akong natutunan dun. Pinerahan lang ako ng school hehehe.

Medyo may pagka-nerd din ako. O-ha! Mahilig ako sa mga trivia tulad ng Jeopardy, Wheel of Fortune, Game KNB at 1 Versus 100. Kaya lang ayoko sumali kasi nga shy ako. Tsaka mahal ang appearance ko sa camera. Tsaka ayokong madiscover no. Minsan kasi napagkakamalan akong si Aga Muhlach. Minsan naman ako daw si Piolo. Pero kadalasan napagkakamalan akong si Bayani Agbayani o kaya si Bentong. Bwahahahaha! Bwekeke!

Favorite color ko ay green. Kasing-berde ng utak ko. May nakapagsabi nga sa kin minsan. Nakakatakot daw ako kasi berde daw ako. Huh?! Sagot ko, eh kesa naman pula. Mas ok na yung berde at least may maganda akong trabaho at magandang negosyo. Kesa pula, nag-aadik dyan sa paligid. Mga sumisinghot ng rugby, shabu, marijuana, ecstasy, etc.

Teka trabaho muna ako. Update ko uli to pag may oras.

 

Polls


Gwapo at pogi ba ako?
 

Partners








Copyright © 2007 - 2008 Bugz' Life